Monday, May 7, 2012

Ang Karapatang Magkaroon ng Disenteng Tahanan (April 17, 2012)

Ito ang unang beses kong pumunta sa North Triangle sa Quezon City. Hindi lang pala sa Maynila laganap ang demolisyon ng mga bahay kung saan daang-daang pamilya ang nawawalan ng tahanan. Ito naman ang pangalawang beses ko na makihalubilo at makapanayam ang mga biktima ng demolisyon.

 Habang kinakausap namin ang batang nakaranas ng karahasang naganap noong Setyembre 23 sa North Triangle.





Kaya naman nung nalaman ko na kami ay maaatasang mag-shoot ng docu video dito sa North Triangle, na-excite talaga ako. :)

 Ang pangulo ng samahan sa North Triangle. 

Naging emosyonal ang aming interview kay Ate Grace dahil habang inaalala niya ang mga pangyayari noong setyembre 23, hindi niya mapigilan ang galit na nadarama.

Isa na namang napakamakabuluhang araw ang nangyari sa amin ngayonga araw na ito. Maraming salamat sa PhilRights at nabigyan kami ng pagkakataong makita ang reyalidad na ito.

No comments:

Post a Comment