Mga kabataang naging parte ng protesta sa Kasibu.
Nagpapasalamat kami sa PhilRights dahil nabigyan po kaming mga intern ng St. Scho Manila na makasama sa kanilang pag bisita sa Kasibu Nueva Vizcaya. Malayo man ang aming tinahak patungo dito ay naging sulit naman dahil sa naging parte kami ng malawakang pagkilos at pagprotesta na ginawa ng mga naninirahan dito upang pigilan ang paninirang ginagawa ng large Scale Mining.
Ako ay isa lang sa pinagpalang makasama sa trip na ito sa Kasibu Nueva Vizcaya. Pakiramdam ko hindi ako nandun bilang practicum-er, hindi ko masyadong iniisip na ako ay nandun para sa trabaho lang. Nandun ako para tumulong at makiisa sa ipinaglalaban nila.